Skip navigation

Ang Sisterakas ay isang pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival. Ito’y pinagbibidahan nina Vice Ganda, Ai Ai Delas Alas at ni Kris Aquino. 

      Nagsimula ang pelikula na ipinapakita kung paano nagsimula ang galit ng karakter na si Bernice (Vice Ganda) sa kanyang step sister na si Detty (Ai- Ai Delas Alas). Magkalayo ang kanilang kabuhay, si Bernice ay mahirap, at si Detty naman ay mahirap, ngunit may isa silang pareho, at ito’y ang kanilang tatay. Isang araw noong bata pa sila, natuklasan ng nanay ni Detty na nambababae ang kanyang tatay sa nanay ni Bernice. Dahil doon nagalit  ang nanay ni Detty at itinulak ang nanay ni Bernice sa hagdan at dahil doon siya’y nalumpo. Pinalayas sa bahay si Bernice at ang kanyang nanay at mula noon, nagsumpa si Bernice na gaganti siya sa pamilya ni Detty. Noong tumanda si Bernice siya ay yumaman at si Detty ay naging mahirap. Isang araw si Detty ay naghanap ng trabaho at siya’y nakarating sa opisina ni Bernice. Nalaman ni Bernice na si ang babae iyon ay si Detty at nagsimula doon ang kanyang paghihiganti. Sinikap niyang pahirapan si Detty hanggang sa siya’y lumipat sa kalaban na kumpanya ni Bernice at nag trabaho para kay Roselle (Kris Aquino). Sa hulihan, naging magkaibigan si Bernice, Detty at Roselle at isinantabi ang kanilang mga pagkakaiba  upang magbukas ng bagong kumpanya na tinawag nilang Sisterakas.

     Para sa akin, niyutral lang ang pakiramdam ko pagkatapos ko manood ng Sisterakas. Ibig sabihin nito’y hindi ko ito masyadong nagustuhan, pero hindi ko rin namang sinasabi na hindi maganda ang pelikula. Para akin mayroon itong mga magagandang bahagi, pero meron rin namang hindi masyadong maganda. 

     Una, dahil ito’y isang komedya, gusto ko munang talakayin ang mga biro na ginamit sa pelikula. Para sa akin hindi ko kayang sabihin na talagang natawa ako ng husto sa pelikula. Hindi ko naman sinasabi na hindi ako natawa, ngunit pakiramdam ko’y maaari pa sanang pinaganda ang mga linyang pampatawa na ginamit sa pelikula. Minsan paulit ulit ang mga biro na ginamit, at pakiramdam ko na sayang lang iyon, dahil pwede naman sanang gumawa ng mga bagong biro o linya ang mga scriptwriter at hindi lang ulit ulitin na gamitin. Pakiramdam ko rin na medyo mababaw ang iilang mga biro na ginamit. Sa kabilang dako naman, nagustuhan ko ang mga biro dahil maraming iba’t ibang reperensiya ang ginamit sa mga biro. Isa na rito ang pagpangalan sa assistant ni Roselle bilang James at sa paulit-ulit na pagsabi nito ng “Yap”. Ito’y patama sa totoong buhay ni Kris Aquino. May isang eksena rin na ang mukha ni Vice Ganda ay itinapat sa isang kabayo at ito’y isang reperensiya rin sa isang pelikula ni Vice dati. Marami ring mga reperensiya sa mga sariliing mga komersiyal ni Ai Ai, Vice at Kris na naipasok sa pelikula. Ang problema ko lang sa paggamit ng maraming reperensiya bilang biro ay hindi ito masyadong epektibo gamitin kung sakaling hindi ganun kamalay ang manonood sa mga reperensiyang ito. 

     Para naman sa daloy ng pelikula, masasabi ko na maayos naman at madaling intindihin. Sa tingin ko maganda na ganito ang ginawa ng mga scriptwriter dahil ito’y isang pampamilyang komedya, at masepektibo na mapaparating sa manonood ang katuwaan at kasiyahan kung madali lang intindihin ang pelikula. Ang konsepto ng paghihiganti ay naipakita naman ng mabuti sa pelikula. Kahit paghihiganti ang konsepto, buti nalang at naging masaya pa rin ang katapusan ng pelikula.

     Sa kabuuan, masasabi ko na puwede na ang Sisterakas. Hindi naman ito sobrang ganda na kailangan talagang panoorin, ngunit mayroon rin namang dapat ipagmalaki ang pelikula. Masasabi ko na maayos namang nagampanan ng pelikula ang kanyang pagiging komedya ngunit pakiramdam ko lang talaga na maaari pa sanang gawing mas orihinal ang mga pampatawa. Kung bibigiyan ko ng marka angSisterakas mula 1-5, 1 ang pinakamababa at 5 ang pinakamataas, bibigiyan ko ito ng 3.5.Image

Ang One More Try ay isang pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival. Ito’y pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Zanjoe Marudo at ni Dingdong Dantes.

Ang pelikula ay tungkol sa mag-asawang Eduard (Dingdong Dantes) at Jacq (Angelica Panganiban) na masayang masaya na sa buhay nila. Ang problema nga lang ay sa dami daming taon nang nakalipas na sila’y mag-asawa, hindi ni Jacq mabigiyan ng anak si Eduard. Lumalim ang tunggalian ng kuwento noong pumasok si Grace (Angel Locsin) sa eksena. Ito’y dahil kailangan ni Grace ng tulong ni Eduard upang pagalingin ang sakit ng kanilang anak na si Bochok. Mayroon kasing bone marrow deficiency si Bochok at kailangan niya ang genes ng kanyang tatay na si Eduard para sa pagpapagaling. Naging komplikado ang buong sitwasyon dahil syempre may asawa na si Eduard, at lahat sila’y may kanya kanyang buhay na. Nandoon rin ang posibilidad na magkagusto ulit si Grace kay Eduard, kaya’t parating nasasaktan si Tristan (Zanjoe Marudo) na siyang kasintahan na ni Grace ngayon. Sa dulo ng pelikula, matagumpay na nailigtas si Bochok sa tulong ni Eduard, nagkaroon ng anak si Jacq (ngunit galing ito kay Grace) at lahat sila ay naging magkaibigan.

Unang una, masasabi ko na nagustuhan ko ang One More Try. Isa sa nagustuhan ko sa One More Try ay yung mataas na antas ng pagarte. Kung papapiliin ako sa apat na pangunahing aktor sa pelikula, masasabi ko na pinaka nagustuhan ko ang pag arte ni Dingdong Dantes. Para sa akin, tunay niyang nagampanan ng maayos ang kanyang karakter na isang mayamang lalaki na may pinagdaraanan dahil sa mga pagkakamali niya dati. Hindi ko rin naman maikakaila na talagang naramdaman ko ang mga madramang pagpapalitan ng linya nina Jacq at Grace tungkol kay Eduard.

Pangalawa, nagustuhan ko rin ang tapang ng direktor at mga scriptwriter sa paggawa ng pelikula na ganoon ang konsepto. Masasabi na may pagkamaselan ang konsepto ng pelikula. Bilang isang konserbatibong bansa, medyo matapang ang ginawa na talakayin ang pakikipagtalik ng may asawa sa ibang babae. Ngunit, sa tingin ko naman na ito’y nakatwiran ng mabuti dahil buhay ng isang bata ang kanilang ipinaglalaban. Habang pinapanood ang pelikula, may mga kaunting eksena na medyo na hulaan ko kung ano ang mangyayari sa pelikula, ngunit hindi ko pa rin masasabi na hindi ako nagulat sa mga ilang pasabog sa pelikula.

Pangatlo, gusto ko rin bigyan ng paghanga ang cinematography nitong pelikula, lalo na doon sa mga maselang eksena. Maraming bahagi sa pelikula na nagpakita ng pagtatalik ngunit noong pinapanood ko ang mga eksenang iyon, hindi ko naramdaman na bastos ito dahil na rin sa maartistikong pagkuha nito. Dahil sa maartistikong pagkuha, ramdam na ramdam ko rin ang pasyon noong mga karakter sa mga maselang eksenang iyon.

Panghuli, nagustuhan ko ang mensahe ng pelikula at ito’y, lahat ay kayang gawin ng isang nanay / ng mga magulang para iligtas ang buhay ng anak. Malimit na nabanggit sa pelikula ang pagiging malap*** ni Grace at mali ang ginagawang niya pagtalik sa may asawa, pati na rin ang etika at moralidad, subalit kahit ganun, hindi na iyon inisip ni Grace para lang sa kanyang anak, at para sa akin, ito’y magandang representasyon sa pagmamahal na kayang ibigay ng mga magulang para lang sa kanilang anak. Maganda rin ang naitalakay na mga konsepto ng pag-ibig at katapangan sa lahat ng pinagdaraanan ng mga karakter, kasi aminin natin, na kung ang sitwasyong iyon ay nangyari sa totoong buhay, duda ko na magiging masaya ang katapusan ng sitwasyong iyon.

Sa kabuuan, nagustuhan ko ang pelikulang One More Try. Kung bibigiyan ko ng marka ang One More Try mula 1-5, 1 ang pinakamababa at 5 ang pinakamataas, bibigiyan ko ito ng 5. Mula sa pagarte at sa kwento, pinakita nito na talagang isa siyang malakas na pelikula na siguro nga’y karapat dapat nanalo ng Best Picture award sa MMFF.

Image

Image

Image

Ang napakasarap na SIOMAI.

I.Paglalarawan

Ang pagkain na iniisip ko ngayon ay isang klase ng pagkaing Tsino. Sa kabuuan, ito ay kulay dilaw na may halong tsokolate. Yung pagka kulay dilaw niya ang nanggagaling sa balat nito na gawa sa harina. Yung kulay tsokolate naman ay nanggagaling sa pangunahing sangkap ng pagkain na ito, baboy. Maraming uri ang pagkaing ito, ngunit ang pinaka karaniwang uri ay ang baboy na uri nito. Ang hugis ng pagkaing ito ay hindi pang karaniwan dahil may iba’t ibang hugis ang mga iba’t ibang uri. May mga parisukat, parihaba at minsan meron pang may anim na panig. Pinalilibutan ng balat yung parte ng baboy na nasa gitna. Ito ay kadalasang kinakain ng mainit dahil ginagamit ang pamamaraan ng pagpapasingaw kapag niluluto ito. Pagkakagat nito matitikman ang ubod na sarap na lasa ng baboy sa nasa gitna. Ang lasa nito’y maalat konti at minsan pa’y may konting anghang, depende kung saan binili ang produkto. Kapag ito’y kinakain madalas na sinasawsaw rin ito sa toyomansi o kaya sa chili sauce. Kapag kinagat ito, may pagka madulas ang balat nito sa dila ngunit ang baboy naman ay medyo magaspang. Masasabi ko na base sa sariling karanasan, ito ay isang napaka sarap na pagkaing Tsino. Ang maganda pa rito, ito ay madali lamang gawin, kaya kahit sino ay pwedeng matikman ang napakasarap na pagkaing ito!

II. Pagsasalaysay

Espesyal talaga sa akin ang pagkaing siomai. Ito’y isang pagkain na mula sa Tsino na gawa sa baboy at harina. Ito’y isang klase ng staple food ng mga Tsino at siguradong meron nito tuwing may kainan. Sa kahabaan ng buhay ko, alam ko na kahit ako’y musmos pa lamang ay kilala ko na ang pagkaing siomai. May lahing Tsino kasi ako, kaya nga’t sanay na sanay ako sa pag kain ng siomai.  Madalas kasi kapag lumalabas kami ng aking pamilya at kumakain sa restawrang Tsino, parati kaming may order na siomai. Sa totoo, hanggang ngayon, tuwing kumakain kami sa restawrang Tsino nag oorder pa rin kami ng siomai. Madalas rin kapag pumupunta kami sa ibang bansa, madalas kami kumain sa mga restawrang Tsino doon, at malamang, nag oorder rin kami ng siomai. Ang siomai ay napaka halaga na symbolo sa buhay ko, dahil tuwing nakikita ko to, hindi ko lamang naaalala ang aking lahi, kundi pati na rin ang pamilya kong mahal na mahal ko. Tuwing kumakain ako ng siomai sa paaralan o kaya sa labas, naalala ko parati ang pamilya ko, ang mga pinaguusapan namin kapag magkasamang kumain, ang kanilang mga ngiti at tawa. Aaminin ko, minsan nararamdaman ko na nasasawa na ako sa siomai, ngunit patuloy ko pa rin itong kinakain dahil ito ay tanda ng aking pagiging Tsino, at ito na rin ang sumisimbolo sa iba’t ibang alala ko kasama ng aking pamilya. Kaya kahit ganun na ang panlasa ko sa siomai, sigurado pa rin ako na sa natitira pang mga taon sa buhay ko, hindi ako titigil sa pag kain ng siomai.

Sanggunian: http://3.bp.blogspot.com/-Wqcb6ZnBURs/T07yRQl35MI/AAAAAAAAAJ4/s2LcmLm8CeA/s1600/siomai.jpg

“ASA? NOOOOO….” ang unang narinig ko noong ako’y bumaba sa stasyon ng LRT. Nang namalayan ko na may isang kaganapan na nangyayari sa harapan ko, agad agad kong inilabas ang aking selfone at binuksan ang bidyo nito.

“AMALAYER? SO AMALAYER?”, ang pasigaw na sinasabi ng babaeng bida ng eksena.

“Nako, anong komosyon kaya ang nangyayari dito…” ang isip ko sa sarili ko.

Makatapos ang sampung segundo, ang salitang “AMALAYER” ay natatak na sa aking isipan dahil paulit- ulit na sinabi ng babae ang linyang iyon. Biglang tumahimik ng bahagiya. Mula sa kinaroroonan ko, nakita ko na parang nagpapaliwanag si lady guard. Hindi ko marinig ang sinasabi niya, at natakot naman rin akong lumapit dahil pakiramdam ko’y baka masigawan rin ako ni “AMALAYER”, kaya nagpasiya nalang akong manatili lang ako sa aking lugar.

WOW. Pagtapos ng paulit-ulit na “AMALAYER”, puro “Sorry” naman ang sunod kong narinig. Galit na galit ang tono nung babae habang kinakausap niya si lady guard. Ang kapal pa ng mukha niyang magsalita ng Ingles, “THAT’S HOW YOU SAY SORRY?”, na para bang pinamumukha niya na masmataas siya kay lady guard.

Nakita kong sinubukan ulit ni lady guard na magpaliwanag, ngunit nako kung ako yung nasa lugar niya, sana di ko nalang ginawa yun.

“ATE, MAY PINAG-ARALAN AKONG TAO, GINANUN MO AKO, SO I’M JUST RETURNING THE FAVER”, ang patuloy na sumbat noong babae.

Sa puntong iyon, halos hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko tungkol sa nangyayari, nang biglang… “OHMAIGOD KUYA SHE’S ALAYER.”

Hindi ko nang maiwasan isipin na grabe, ibang klase tong babae na ito. Nagpaliwanag ulit si lady guard.

“ANONG SABI MO? ANONG PROBLEMA KO? WILL YOU SHH?” Daldal pa rin ng daldal si AMALAYER. Sa panahong iyon, tinigil ko na ang bidyo. Masyado akong natutok sa panonood at nakalimutan ko na may hahabulin pa pala akong tren! Ewan ko na kung ano ang nangyari pagkatapos noon, pero buti nalang at mayroon akong nasilayan na nagbigay ng katuwaan sa araw ko na iyon.

Sanggunian: http://www.youtube.com/watch?v=i_bNVcyPK9g

The moral issue that I chose for this blog would be pre-marital sex. I chose this not because I have personally experienced it or am close to it, but because I think that it is rampant in our society today, especially in high school boys like us. I think that this act is not morally wrong because in the first place, sex is not wrong. I think that as long as the two people who are having premarital sex are ready to raise the child up (if in case the girl gets pregnant), and they know the consequences of their actions, then I don’t think that it’s morally wrong. There are many factors to consider regarding pre marital sex, like if the couple is ready, or if they both agree, or if they’re doing it just for pleasure or really to procreate. So, with me saying that it is morally acceptable, I have to say that really there’s still a grey area regarding this issue. While some priests may say that pre marital sex is wrong, I believe that as long as no grave harm is done (abortion, if ever) then I don’t think its morally wrong.
The basis of my claim would be based on my personal ideas and understanding of morality. But, I do want to reiterate that this issue is still a rather grey area for me.

I think the act of pre marital sex would be sinful when the couple who does pre marital sex only does it out of pleasure. Also, prostitution is a kind of pre marital sex and I think that it is also sinful. This is because in prostitution, a woman is payed for sex. I also think that pre marital sex is sinful if the woman gets pregnant, and then the couple decides to abort the baby, then of course this is considered to be sinful. In all the 3 situations given, all had adequate freedom, knowledge and all had the possibility of causing grave harm (unwanted pregnancy) and so I think in this situation, yes it can be sinful.

Based on my answer, I think I am rather evaluativist because I was able to consider both the general situation and the particular situation. I think that one of the things that makes pre marital sex morally right is because it is so common in society today that it more and more people are starting to consider it being acceptable.

B.
If one day a friend of mine comes to me and consults me about pre marital sex, I will tell him that it is wrong. It is important to always go the path of reason, caution and suspicion. Whenever he is at a moral cross roads, I think it is always better to go the safe way and consider what you are doing as wrong. This is because if for example the act was wrong, and he thought it was right and he does it, then he will surely have committed a mistake. So, whenever he is not sure about something, he must consider it as wrong. Also, I will ask him why he wants to do pre marital sex, is it because he wants pleasure? Like, really is his motive for this? Lastly, before he does anything, he must consider the implications of the act that he is about to do, what are the good things about it and what is the bad, and if he’s doing it for pleasure, then chances are what he is about to do is wrong.

On the issue of Genetically modified food, I think I’m on the against side. I mean, sure there are numerous benefits to go for GMF, but then I think the cons outweigh the pros. Some of the more alarming cons are that their are some health concerns regarding GMF. While it can prove to be more nutritious, a study has shown that it can cause allergies. Aside from allergies, there are also other health concerns that haven’t even been discovered yet. Though they have a potential of solving the world’s food crisis, if eating them will play a part in destroying the health of man kind, then I do not think we should pursue this project. Another thing, I think it is unethical to change the genes of organisms, but most especially animals. For plants, it is more understandable, as it will help us grow more crops to feed more people, but altering the genes of animals is just too much.

BHA and BHT are known as Butylated Hydroxyanisole and Butylated Hydroxytoluene and they are synthetic anti-oxidants. They are used commonly in food as they serve as anti oxidants that help preserve food. These two act as preservative so that the fat contained in food do not become rancid.  Oxygen reacts preferably with BHA and BHT which prevents the food from spoiling.

The benefits of using BHA and BHT are that it preserves the food longer so it doesn’t spoil as fast. Another benefit of using it is that it can be used to preserve fats and oils in pharmaceuticals and cosmetics. It also preserves food odor, color and flavor.

The disadvantage of using BHA and BHT is that they have some health repercussions. It is said that some may actually contribute carcinogenic substances to our body. Also, some have been linked to ADHD, stomach problem, allergies etc. However, it will take large amounts of BHA and BHT consumption for it to actually have an effect.

Overall, I think the benefits of using BHA and BHT outweigh its cons so I think we should continue using BHA and BHT.

Honestly, I could not taste the difference between the ready made kropek versus the ones we cooked today. But, one thing I noticed, was that the kropek cooked in oil seemed to be harder than the ready made. So, if I had to choose which one to eat, I’d still eat the ready made Kropek. But among the 3 kinds of Kropek cooked today, one cooked in Palm Oil, one cooked in Canola oil and one cooked in butter, the best tasting one was the one cooked in Palm Oil followed by Canola oil and lastly the one in butter. 

I think that the foods mentioned were weird because it is not commonly eaten by majority of the population in the world. Like some of the food mentioned are very niche in that it only caters to a specific group or people.

I think that food is something that gives people nutrition and is essential for man’s survival and growth. Apart from this, food also gives comfort and pleasure. Food sometimes can also make people have a good time especially when the food tastes great.

According to popular belief, normal food are those food that is eaten by most of the people. Though for me, I think normal food and weird food is just really based on personal preference in culture. Like for example, some vegetarians might find eating meat actually weird. In my family, I’m the only one who doesn’t like eating mollusks cause I think they’re weird, while my sister and my parents love eating them.

My 5 weirdest food:
1.) Sea Snake
2.) Turtle
3.) Cow Testicles
4.) Pig’s Ear
5.) Dinuguan